Tunay ngang galing at talino ang ipinamalas ng mga kalahok mula sa iba’t ibang ahensya at unibersidad sa isinagawang Tagisan ng Talino 2023 kahapon, ika-16 ng Marso sa Alnor Grand Convention Hall, Cotabato City.
Nagwagi ng titulong Kampyon (Champion) at ₱20,000 cash prize ang quizzer na si 𝗝𝗮𝗺𝗶𝗹 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮 mula sa Schools Division Office of Maguindanao II ng MBHTE. Easy at average round pa lamang ay talagang pansin na ang pangunguna ng kaniyang puntos mula sa mga kasama niyang mga kalahok.
Pumangalawa naman ang quizzer na si 𝗕𝗼𝗿𝗵𝗮𝗻𝗮 𝗨. 𝗞𝗮𝘁𝗮𝗸 mula sa Cotabato State University na nagwagi ng titulong 1st Runner-up at ₱15,000 cash prize habang si 𝗔𝗹𝗶𝘂𝗱𝗱𝗶𝗻 𝗨. 𝗛𝗮𝗿𝗼𝗻 mula sa Statutory Committee ng Bangsamoro Transition Authority ay nakakuha ng titulong 2nd Runner-up at ₱7,000 cash prize.
Kasama naman sa top 5 finalists ang mga kalahok na si 𝗡𝘂𝗳𝗮𝘆𝗹 𝗦. 𝗞𝗮𝘁𝗼 mula sa Notre Dame University at 𝗔𝗹-𝗕𝗮𝘀𝘀𝗲𝗿 𝗔. 𝗨𝘀𝗺𝗮𝗻 mula sa Cotabato City National Highschool – Rojas na nag-uwi rin ng kani-kanilang cash prizes.
Nagsilbing Head Committee ng nasabing patimpalak si Dr. Tirmizy Abdullah, Professor ng History Department ng Mindanao State University – Main Campus para sa maayos at malinaw na daloy ng patimpalak.
————————————-
Ang Tagisan ng Talino ay taunang patimpalak na isinasagawa ng Bangsamoro Government sa pangunguna ng Ministry of Public Order and Safety kasabay ng selebrasyon ng Bangsamoro History Month tuwing Marso.
#TagisanNgTalino #BHM2023 #MPOS #BangsamorGovernment