Labintatlong (13) biktima ng terrorist ideology and circumstances sa Maguindanao pinili ang landas ng kapayapaan, kahapon, August 10, 2023. Ang presentasyon ng mga biktima ay ginanap sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte sa pangunguna ng 1st Brigade Combat Team (BCT) ng Philippine Army na pinamumunuan ni Brigadier General Leodivic B Guinid.
Ang programa ay nilahukan ng Ministry of Public Order and Safety bilang kasama sa mandato nito ang maka-attract ng local insurgents na magbalik loob sa gobyerno. Tumanggap ng 5,000 pesos mula sa MPOS ang bawat former local insurgent bilang agarang tulong pinansyal sa kanilang community integration.
Isasali din sila sa nakatakdang programa ng MPOS ngayong taon para sa mga former local insurgents. Kasama rito ang Peacebuilding Training kung saan mas mabibigyan ng espasyo ang mga local insurgents na marinig ang kanilang mga kwento. “Mahalaga po sa aming marininig ang mga kwento ninyo dahil may kasabihang, an enemy is a person whose story you have not heard yet”, paliwanag ni Sittie Janine M. Gamao, Peace Program Officer V.
Sa kasalukuyan, 252 former local insurgents mula sa Maguindanao at Special Geographic Area ng Bangsamoro na ang naabot ng Ministry of Public Order and Safety, gawa ng pagtutulungan ng 1st Batallion Combat Team at 6th Infantry Division ng Philippine Army.
#MPOS #BARMM #BangsamoroGoverment