Ginunita ng Ministry of Public Order and Safety ng Bangsamoro Government ang ika 49 na anibersaryo ng Malisbong Massacre nitong September 24, 2023 sa Masjid Hamsa Tacbil, Brgy. Malisbong sa bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat.
“Ang paggunita sa Malisbong Massacre ay paalala sa ating mga tungkuling alalahanin, pagalingin, at magsikap tungo sa isang kinabukasan kung saan tayo ay nagkakaisa para sa kapayapaan”, paalala ni Minister Hussein P. Muñoz sa Bangsamoro communities sa Palimbang.
Ang Malisbong Massacre ay maituturing na isa sa pinakamadugong insidente na ginawa sa Bangsamoro communities kung saan higit isang libong Bangsamoro ang pinatay noong September 24, 1974 sa loob ng Malisbong village.
Ang paggunita sa anibersaryo ay paalala kung anong mga dinanas ng Bangsamoro na isa sa naging rason sa pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang commemoration ay sa pagtutulungan ng local government units ng Municipality of Palimbang at Barangay Malisbong. Dinaluhan ito ng mga residente ng Malisbong at karatig barangay maging Philippine Army na nakadestino sa Palimbang, Provincial Philippine National Police ng Maguindanao del Norte, Consortium of Bangsamoro Civil Society (CBCS) at Kutawato Greenland Initiatives.
Naganap din sa araw ng commemoration ang Presentation Palimbang Rehabiliation Project, kung saan ipinakita ang magiging itsura ng proyekto na itatayo sa Brgy. Malisbong.