Tingnan| Nagsagawa ang Ministry of Public Order and Safety (MPOS) sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Cotabato City Fire Station ng πππ§π ππ£π πππ§π©ππ¦πͺππ π πΏπ§ππ‘π‘ nitong March 20, 2023 sa Brgy. RH7 Covered Court, Cotabato City. Ito ay upang mapabuti ang kakayahan ng mga empleyado ng MPOS sa pagsugpo ng mga sunog at pagresponde sa panahon ng lindol.
Nagsimula ang aktibidad sa lecture tungkol sa mga sakuna tulad ng sunog at lindol, ang mga dahilan nito at epekto nito sa pamumuhay at komunidad. Sinundan ito ng pagpapakita ng tamang paraan ng paggamit ng fire extuinguisher sa panahon ng sunog. Kasunod ay ang earthquake drill, na nagpakita ng tamang mga hakbang sa paglikas sa panahon ng malakas na lindol, ito ay ang βDrop, Cover at Hold Onβ.
Ayon kay BFP SF01 Abdulgafor Mokamad, isa sa mga tagapagturo, sinabi niya na napakalaking tulong ng Fire and Earthquake Drill sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga attendees at participants tungkol sa mga emergency situations. Dagdag pa niya, kung sakaling magkaroon ng sunog o lindol sa Cotabato City, mas handa na ang mga tauhan upang tugunan ito. Malaking bagay din ang pagsasanay upang maibsan ang takot at kaba sa panahon ng sakuna.
Ayon kay MPOSβ Chief Adminstrative Officer Jalam Sugaran-Lingasa, naging matagumpay ang aktibidad dahil sa kooperasyon at pagtutulungan ng BFP at MPOS. Ang aktibidad na ito ay isa mga hakbang ng MPOS upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng ating komunidad na maaaring magamit sa loob at labas ng opisina.
Nagsilbing paalala rin ito sa mga empleyado at residente ng Cotabato City na maging handa sa anumang kalamidad na maaaring dumating.
#MPOS #BARMM #Bangsamoro #BangsamoroGovernment