Ginunita ng Bangsamoro Government sa pangunguna ng Ministry of Public Order and Safety noong May 2 ng kasalukuyang taon ang ika-121 anibersaryo ng makasaysayang Battle of Bayang o kilala bilang Padang Karbala sa Kota Pandapatan, Bayang, Lanao Del Sur.
Ang πππππ₯π π¨π πππ²ππ§π (πππππ§π πππ«πππ₯π) ay isa sa mga makasaysayang pangyayari sa Bangsamoro History bilang ito ay naging hudyat ng Moro-American War noong 1902 hanggang 1915 at tinaguriang βfiercest battleβ noong 1900βs kung saan daan-daang Morong kalalakihan at kababaihan ang nagbuwis ng kanilang buhay upang maprotektahan ang Moro homeland.
Dinaluhan ang paggunitang ito ni Hon. Ali Montana D. Babao, Member of the Parliament, mga opisyales ng munisipalidad ng Bayang sa pangunguna ni Mayor Aslani P. Balt, ilang mga traditional leaders, civil society organizations, mga estudyante, at mahigit limang daang residente ng Bayang, Lanao Del Sur upang bigyang-halaga ang pakikibaka ng kanilang mga ninuno na nakipagdigmaan sa Battle of Bayang.
Naibahagi ng isa sa mga Sultan sa Bayang na si Datu Amin Ali Dimaporo (Datu sa Biabi) ang kanyang panawagan na patuloy na magkaisa ang Bangsamoro gaya ng ginawa ng Moro martyrs noong Battle of Bayang. Ayon sa kanya, βπ¨ππ πππππ ππ ππππππππ ππππ ππ π ππππ πππππ ππππππ πππππππππ π ππππ πππ πππ πππππππ ππ ππππππππ ππππππππππ πππππ πππ ππππ πππππ πππ π πππππππ.β
Kasama rin sa nasabing paggunita ang Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage (BCPCH) upang ipahayag ang kanilang suporta at commitment para sa pagpapahalaga sa mga historical events sa Bangsamoro kabilang ang Battle of Bayang. Dumalo rin ang History Department ng Mindanao State University na pinangatawanan ni Dr. Tirmizy Abdullah na siyang nagsalaysay ng mga mahahalagang detalye ng mga pangyayari noong Battle of Bayang.
Tampok ng paggunita ang presentation ng mga programa at groundbreaking ng proyekto para sa mga mamamayan ng Bayang, sa pangunguna ni Atty. Al-Rashid L. Balt, Director-General ng Ministry of Public Order and Safety. Ang infrastructure development ay itatayo sa lugar kung saan nangyari ang madugong labanan bilang pagkilala sa magiting na pakikibaka ng mga Moro.
#PadangKarbala #MPOS #PED #BangsamoroGovernment #Bangsamoro