Walong probinsya mula sa rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nagsanib pwersa upang salubungin ang ika-apat na Bangsamoro Peace Promotion Fellowship (BPPF) na naganap mula Setyembre 2-5, 2024 sa Precious Ynna Cabana Resort and Hotel, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Ito ay pinangunahan ng Ministry of Public Order and Safety (MPOS) at dinaluhan ng mga young peacebuilders mula sa probinsya ng Sulu, Tawi-Tawi, Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Special Geographic Area (SGA) at Cotabato City.
Layunin ng fellowship na ito na magbigay ng mga resources, mentorship, at pagkakataon sa mga kabataan upang makalikha at magpatupad ng mga proyekto na tumutulong sa pagpapalaganap ng kapayapaan, pagresolba ng mga tunggalian, at pag-unlad ng komunidad sa rehiyon.
“𝘈𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘺𝘶𝘯𝘪𝘯 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘭𝘪𝘬𝘩𝘢 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘨𝘳𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘮𝘶𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰, 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘨𝘳𝘢𝘴𝘴𝘳𝘰𝘰𝘵𝘴 𝘯𝘢 𝘬𝘰𝘮𝘶𝘯𝘪𝘥𝘢𝘥, 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘺𝘢𝘱𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘴𝘶𝘮𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘸 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘯𝘭𝘢𝘥.”, wika ni Atty. Al-Rashid L. Balt, Director-General ng MPOS.
“𝘛𝘩𝘪𝘴 𝘧𝘦𝘭𝘭𝘰𝘸𝘴𝘩𝘪𝘱 𝘪𝘴 𝘯𝘰𝘵 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘨𝘳𝘢𝘮 – 𝘪𝘵 𝘪𝘴 𝘢 𝘤𝘢𝘭𝘭 𝘵𝘰 𝘢𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯, 𝘢 𝘤𝘢𝘭𝘭 𝘵𝘰 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘺𝘰𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘉𝘢𝘯𝘨𝘴𝘢𝘮𝘰𝘳𝘰 𝘵𝘰 𝘳𝘪𝘴𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘣𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘨𝘶𝘢𝘳𝘥𝘪𝘢𝘯𝘴 𝘰𝘧 𝘱𝘦𝘢𝘤𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘰𝘶𝘳 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘣𝘦𝘢𝘳𝘴 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘧𝘰𝘶𝘨𝘩𝘵 𝘴𝘰 𝘩𝘢𝘳𝘥 𝘵𝘰 𝘢𝘤𝘩𝘪𝘦𝘷𝘦”, Ms. Sittie Janine M. Gamao, Chief ng Peace Education Division.
Ang mga kabataang bangsamoro ay nasubok ang kanilang kakayahan at katatagan sa pamamagitan ng iba’t ibang mga teambuilding activities. Ito rin ay isang pagkakataon upang matutunan ang kahalagahan ng pagtitiwala sa isa’t isa at kung paano ang bawat isa ay may mahalagang ambag sa tagumpay ng grupo. Ang mga aktibidad na ito ay hindi lamang naglalayon na palakasin ang pisikal na lakas, kundi pati na rin ang pagtutulungan, komunikasyon, at pagkakaisa ng mga kabataan.
Upang mapalawak ang kaalaman ng mga Kabataan sa mga peacebuilding ay nagkaroon ng Kwentong Bangsamoro kung saan ay pinagusapan ng mga youth peacebuilders ang kanilang mga karanasan at inspirasyon sa pag ambag ng kapayapaan sa kanilang komunidad. Ito ay dinaluhan ng mga matatag na youth peacebuilders na kung saan ay may kanya-kanyang inspirasyon, karanasan at diskurso. Ito ay sina: Jorjani S. Sinsuat mula sa Bangsamoro Information Office; Sittie Janine M. Gamao, Chief ng Peace Education Division ng MPOS; at Sittie Ivy Ampatuan mula sa Bangsamoro Youth Commission.
Isang mahalagang diskurso ang pinagtutuunan ng mga youth peacebuilders kung saan ay tinalakay ni Ms. Sittie M. Gamao, Chief ng Peace Education Division ang tungkol sa Fundamentals of Conflict, Violence, and Peace; Tinalakay naman ni Mr. Bhenhar A. Ayob, Chief ng Law Enforcement Coordination Division ang tungkol sa Concept of Conflict Transformation and Tools to Make Peace Work: Dialogue and Mediation; Tinalakay din ni Mr. Alfred B. Taboada, Program Head ng Peace and Development Study sa Notre Dame University at VP Academics ng STI College Cotabato ang tungkol sa Gender and Peacebuilding; tinalakay naman ni Mr. Jorjani Sinsuat mula sa Bangsamoro Youth Commission ang tungkol sa Youth in 2025 Transition; at tinalakay ni Ms. Mippy Asim, Development Management Officer I ng MPOS ang Tungkol sa Project Management Basics.
Bukod pa rito, isang fellowship night ang naganap upang ipagdiwang ang yaman ng kanilang kultura at ipalaganap ang diwa ng pagkakaisa. Nagpakita ng kanya-kanyang aspeto ng sining tulad ng sayaw, musika, at nagbahagi ng kanilang mga lokal na pagkain. Naging makulay din ang pagtitipon na ito dahil sa mga kumikinang na mga kasuotan na kumakatawan sa kanilang mga tradisyon, kultura, at relihiyon. Ito ay isang simbolo ng pagkakaisa sa kabila ng mga pagkakaiba, at isang hakbang tungo sa mas inklusibo at mapayapang Bangsamoro.
Ang Sustaining Journey to Peace, isa sa mga programa ng MPOS sa ilalim ng Peace Education Division (PED), ay naglalayong palalimin ang pag-unawa ng mga Bangsamoro sa konsepto ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng iba’t ibang inisyatiba para sa kapayapaan sa buong rehiyon tulad ng BPPF. Bilang suporta sa mga adbokasiya at proyekto ng mga kabataan, bawat probinsya ay makakatanggap ng peace project grant upang makatulong sa pagpapatupad ng kanilang mga peace projects.
“𝘐 𝘢𝘮 𝘳𝘦𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘨𝘭𝘢𝘥 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘔𝘗𝘖𝘚 𝘩𝘢𝘴 𝘪𝘯𝘪𝘵𝘪𝘢𝘵𝘦𝘥 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘢𝘤𝘵𝘪𝘷𝘪𝘵𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘺𝘰𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘰𝘱𝘭𝘦 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘮𝘦 𝘸𝘩𝘰 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘵𝘰 𝘢𝘥𝘷𝘰𝘤𝘢𝘵𝘦 𝘱𝘦𝘢𝘤𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘤𝘩𝘢𝘯𝘨𝘦. 𝘐𝘧 𝘸𝘦 𝘣𝘦𝘭𝘪𝘦𝘷𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘸𝘦 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳 𝘵𝘰 𝘤𝘩𝘢𝘯𝘨𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘸𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘤𝘢𝘱𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘰𝘧 𝘤𝘩𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥 – 𝘸𝘦 𝘴𝘩𝘰𝘶𝘭𝘥 𝘴𝘵𝘢𝘳𝘵 𝘳𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘯𝘰𝘸.” Ms. Izdihar C. Mangelen, isang peace fellow mula sa Cotabato City.
Ang sama-samang pagkilos ng mga kabataan mula sa iba’t-ibang probinsya ng BARMM ay isang simbolo ng pag-asa at dedikasyon tungo sa mapayapa at ligtas na Bangsamoro.
#MPOS #BARMM #BPPF2024
#BangsamoroGovernment