Nakiisa ang Ministry of Public Order and Safety (MPOS) paggunita ng ika-isang dekadang anibersaryo ng paglagda ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) na ginanap sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Marso 27, 2024.
Matatandaan na noong Marso 27, 2014 ay magkaroon ng opisyal na paglagda sa pagitan ng Government of the Philippines (GPH) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na naganap sa Malacañang Palace. Nakasaad sa nilagdaang dokumento ang pagtatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Presidential Adviser on Peace Process Unity and Reconciliation, Secretary Carlito G. Galvez, suportado ng presidente ang peace process at sa paglalayong mapaunlad pa ito.“𝘛𝘩𝘦 𝘱𝘦𝘢𝘤𝘦 𝘱𝘳𝘰𝘤𝘦𝘴𝘴 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘪𝘯𝘶𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘩𝘦 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵 𝘩𝘢𝘴 𝘢 𝘸𝘢𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘰𝘧 𝘴𝘶𝘱𝘱𝘰𝘳𝘵 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘱𝘦𝘢𝘤𝘦 𝘱𝘳𝘰𝘤𝘦𝘴𝘴”.
Sa naging pahayag ng Chairperson ng MILF Peace Panel, Mohagher M. Iqbal, ang decommissioning ng MILF combatants ay isa sa malaking tagumpay ng CAB sa hanay ng normalization track. Aniya, “𝘛𝘩𝘦 𝘥𝘦𝘤𝘰𝘮𝘮𝘪𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘧 𝘔𝘐𝘓𝘍 𝘤𝘰𝘮𝘣𝘢𝘵𝘢𝘯𝘵𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘸𝘦𝘢𝘱𝘰𝘯𝘴 𝘪𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘷𝘪𝘴𝘪𝘣𝘭𝘦 𝘢𝘴𝘱𝘦𝘤𝘵 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘯𝘰𝘳𝘮𝘢𝘭𝘪𝘻𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘱𝘳𝘰𝘤𝘦𝘴𝘴. 𝘐𝘵 𝘩𝘢𝘴 𝘱𝘳𝘰𝘨𝘳𝘦𝘴𝘴𝘦𝘥 𝘸𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘢𝘩𝘦𝘢𝘥 𝘰𝘧 𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘢𝘴𝘱𝘦𝘤𝘵𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘩𝘢𝘴 𝘳𝘦𝘢𝘤𝘩𝘦𝘥 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘩𝘪𝘳𝘥 𝘱𝘩𝘢𝘴𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘢 𝘵𝘰𝘵𝘢𝘭 𝘰𝘧 26,132 𝘔𝘐𝘓𝘍 𝘤𝘰𝘮𝘣𝘢𝘵𝘢𝘯𝘵𝘴 𝘱𝘳𝘰𝘧𝘪𝘭𝘦𝘥 𝘢𝘯𝘥 𝘱𝘳𝘰𝘤𝘦𝘴𝘴; 4,625 𝘸𝘦𝘢𝘱𝘰𝘯𝘴 𝘱𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘺𝘰𝘯𝘥 𝘶𝘴𝘦𝘥 𝘢𝘯𝘥 6,317 𝘢𝘮𝘮𝘶𝘯𝘪𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘱𝘪𝘦𝘤𝘦𝘴 𝘵𝘶𝘳𝘯𝘰𝘷𝘦𝘳 𝘢𝘯𝘥 𝘥𝘪𝘴𝘱𝘰𝘴𝘦𝘥 𝘵𝘩𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘥𝘦𝘤𝘰𝘮𝘮𝘪𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘰𝘥𝘺”,
Dagdag pa ni Iqbal na sa pamamagitan ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ay makikipag-tulungan ang MILF para sa matiwasay at kauna-unahang regular election sa Bangsamoro region 2025.
Samantala, kinilala bilang Outstanding Peace Champion Awardee ang may mahahalagang kontribusyon sa GPH at MILF Peace Talk sa patuloy na pagsuporta sa hangarin ng Bangsamoro government. Ito ay sina: Prof. Miriam Coronel-Ferrer, Prof. Abhoud Syed M. Lingga, Datu Midpantao Midtimbang, Dr. Emma Leslie, Gov. Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza, Datuk Othman Abd Razak,Cardinal Orlando B. Quevedo, Dr. Steven Rood, Datu Zulkiefli Mohammad Bin Zain,Tengku Datu Ab’Ghafar Mohammad, Major Carlos Sol, at Rashid Ladiasan.
Ito ang ika-tatlong beses na ginunita ng Ministry of Public Order and Safety ang anibersaryo ng CAB mula nung inilabas ni Chief Minister Ahod B. Ebrahim ang Proklamasyon Blg. 0001, series of 2021, kung saan idineklara ang buwan ng Marso na Bangsamoro History Month upang gunitain ang mga mahahalaga at makabuluhang pangyayari sa kasaysayan ng Bangsamoro.