Kasabay ng flag ceremony tuwing lunes sa OCM Quadrangle, Bangsamoro Government Center ay idinaos rin nitong lunes, ika-6 ng Marso, ang kick-off ceremony ng Bangsamoro History Month 2023 na may temang “Enhancing National Unity by Mainstreaming Bangsamoro History”.
Pinangunahan ang seremonyang ito ng Bangsamoro Government sa pamamagitan ng Ministry of Public Order and Safety (MPOS) sa pamumuno ni Minister Hussein P. Muñoz, at dinaluhan ng Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage (BCPCH) sa pamumuno ni Chairperson Dr. Salem Y. Lingasa, at ng iba pang Ministry, opisina, at ahensya, upang makiisa sa pagsisimula ng selebrasyon nito ngayong buwan.
Binigyang diin ni Minister Muñoz na ang pag-alala sa kasaysayan ng Bangsamoro ay mahalagang mekanismo para sa pagsusulong ng kapayapaan at pagpapanatili ng mga mabubuting natamo ng rehiyon sa peace process.
“𝑻𝒉𝒆𝒔𝒆 𝒆𝒗𝒆𝒏𝒕𝒔 (𝑩𝒂𝒏𝒈𝒔𝒂𝒎𝒐𝒓𝒐 𝒔𝒕𝒓𝒖𝒈𝒈𝒍𝒆𝒔) 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒓𝒆𝒎𝒊𝒏𝒅 𝒖𝒔 𝒕𝒉𝒂𝒕, 𝒃𝒚 𝒓𝒆𝒄𝒐𝒈𝒏𝒊𝒛𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒆 𝒕𝒓𝒖𝒆 𝒂𝒄𝒄𝒐𝒖𝒏𝒕𝒔 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒂𝒔𝒕, 𝒘𝒆 𝒎𝒐𝒗𝒆 𝒇𝒐𝒓𝒘𝒂𝒓𝒅 𝒕𝒐 𝒂 𝒃𝒆𝒕𝒕𝒆𝒓 𝒕𝒐𝒎𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘 𝒊𝒏 𝒑𝒆𝒂𝒄𝒆𝒃𝒖𝒊𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒅 𝒊𝒏 𝒔𝒖𝒔𝒕𝒂𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒆 𝒈𝒂𝒊𝒏𝒔 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒂𝒄𝒆 𝒑𝒓𝒐𝒄𝒆𝒔𝒔.” pagbabahagi ni Minister Munoz.
“𝑶𝒖𝒓 𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕𝒊𝒕𝒚 𝒂𝒔 𝒂 𝑩𝒂𝒏𝒈𝒔𝒂𝒎𝒐𝒓𝒐 𝒅𝒆𝒄𝒍𝒂𝒓𝒆𝒔 𝒐𝒖𝒓 𝒓𝒐𝒖𝒈𝒉 𝒉𝒊𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚 𝒂𝒏𝒅 𝒂𝒃𝒖𝒏𝒅𝒂𝒏𝒕 𝒄𝒖𝒍𝒕𝒖𝒓𝒆 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒔 𝒃𝒆𝒆𝒏 𝒂 𝒕𝒆𝒔𝒕𝒂𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒕𝒓𝒖𝒈𝒈𝒍𝒆𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝒂𝒔𝒑𝒊𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔.” Dagdag ni Chairperson Dr. Lingasa.
Sa kabilang banda, naging bahagi rin ng programa ang pag-alala sa 𝟏𝟏𝟕𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲 ng isa sa mga hindi malilimutang pangyayari sa kasayasayang Bangsamoro, ang 𝟏𝟗𝟎𝟔 𝐁𝐮𝐝 𝐃𝐚𝐣𝐨 𝐌𝐚𝐬𝐬𝐚𝐜𝐫𝐞. Ibinahagi ni Aaron-Jeff Usman, Community Affairs Officer V ng Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage ang mga mahahalagang pangyayari sa nasabing massacre.
Nagkaroon rin ng trivia games patungkol sa Bangsamoro History at pamimigay ng papremyo para sa mga dumalo sa kick-off ceremony ng Bangsamoro History Month 2023.
#BangsamoroHistoryMonth #BHM2023 #MPOS #BARMM #BangsamoroGovernment #Bangsamoro