Sa gabay ng mga religious leaders mula sa Committee of Dawah at Masajed Affairs-Bandar Kutawato, aktibong nilahukan ng mga kilalang Sheikh at Asatidz ang isinagawang “Writeshop on Khutbah Material for Peaceful, Safe and Credible Election,” nitong September 27, 2023 (Huwebes) sa Pagana Restaurant, Cotabato City. Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Ministry of Public Order and Safety (MPOS), Special Operations Division (SOD) ng Bangsamoro Government bilang preparasyon sa darating na Barangay at Sangguniang Election (BSKE) 2023.
Ayon kay Shiekh Norhan M. Borhan, “𝘈𝘭𝘩𝘢𝘮𝘥𝘶𝘭𝘪𝘭𝘭𝘢𝘩 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘨𝘶𝘮𝘱𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘩𝘶𝘵𝘣𝘢𝘩 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰, 𝘩𝘰𝘱𝘦𝘧𝘶𝘭𝘭𝘺 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘯𝘨𝘴𝘢𝘮𝘰𝘳𝘰, 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘔𝘗𝘖𝘚 𝘴𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘬𝘢𝘺 𝘔𝘪𝘯𝘪𝘴𝘵𝘦𝘳 𝘏𝘶𝘴𝘴𝘦𝘪𝘯 𝘗. 𝘔𝘶ñ𝘰𝘻 𝘴𝘢 𝘴𝘶𝘱𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘤𝘵𝘪𝘷𝘪𝘵𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘥𝘢𝘸𝘢𝘩 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦 𝘢𝘺 𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘔𝘗𝘖𝘚.”
Layunin ng aktibidad na ito na lumikha ng mga Islamic materials na may kaugnayan sa pagtuturo at pagpapalaganap ng maayos, ligtas at mapayapang Bangsamoro sa darating na BSK Election 2023. Ang mga paksa ng mga Islamic materials ay tungkol sa “Leadership in Islam”, “Characteristics of Effective and Efficient Leader”, “Significance and Brotherhood in Islam”, at “Unity and Reconciliation,” kung saan ito ay naayon at napapanahon sa konteksto ng Bangsamoro.
Ayon kay MPOS’ Development Management Officer V Bhenhar Ayob, “𝘈𝘯𝘨 𝘢𝘤𝘵𝘪𝘷𝘪𝘵𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘯𝘨𝘴𝘢𝘮𝘰𝘳𝘰, 𝘪𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘨𝘰𝘢𝘭 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘥𝘢𝘳𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘨𝘳𝘢𝘮𝘢 (𝘌𝘭𝘦𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯) 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘴𝘪𝘳𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘣𝘳𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳𝘩𝘰𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘳𝘦𝘭𝘪𝘩𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘐𝘴𝘭𝘢𝘮.”
Inaasahan na ang resulta ng writeshop na ito ay magagamit sa mga Khutba tuwing Jumuah (Islamic Friday Prayer) sa mga komunidad ng Bangsamoro.
#MPOS #BangsamoroGovernment #Bangsamoro #BARMM