Nakiisa ang Ministry of Public Order and Safety (MPOS) sa paggunita ng ika-5oth Anniversary ng Malisbong Massacre nitong Setyembre 24, 2024 sa Brgy. Malisbong, Palimbang, Sultan Kudarat.
โ๐๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐จ๐ถ๐ฏ๐ช๐ต๐ข ๐ด๐ข ๐ต๐ณ๐ข๐ฉ๐ฆ๐ฅ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ช๐ด๐ข ๐ด๐ข ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ช๐ต๐ฉ๐ช๐ช๐ฏ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐บ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ถ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฏ, ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ธ๐ข๐ต ๐ช๐ด๐ข ๐ข๐บ ๐ญ๐ช๐จ๐ต๐ข๐ด ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐บ๐ข ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ต๐ข๐ฌ๐ฐ๐ต ๐ข๐ต ๐ฌ๐ข๐ณ๐ข๐ฉ๐ข๐ด๐ข๐ฏ. ๐๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐๐๐ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ฆ๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช๐ต ๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฏ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐บ๐ข๐ฑ๐ข๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ฐ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ช๐ฅ๐ข๐ฅ.โ, wika ni Atty. Al-Rashid L. Balt, Director – General ng MPOS.
Ang Malisbong Massacre, na kilala rin bilang Palimbang Massacre, ay naganap noong Setyembre 24, 1974, sa barangay Malisbong, Palimbang, Sultan Kudarat. Tinukoy ito bilang isa sa mga pinaka madugong insidente ng karahasan sa kasaysayan ng Bangsamoro. Humigit-kumulang 1,500 katao ang minasaker sa loob ng isang mosque. Bukod dito, maraming kababaihan at kabataan ang naging biktima ng pang-aabuso.
Sa paggunita sa madilim na kabanatang ito ng kasaysayan, nagkaroon ng mga pagkilos ang MPOS katuwang ang Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan (Project TABANG) upang maghatid ng tulong at kalinga sa mga pamilyang apektado ng masaker. Kabilang sa mga ibinigay na suporta ay ang pamamahagi ng 500 sako ng bigas, 300 food packs, at prayer garments para sa mga biktima at kanilang mga pamilya, bilang bahagi ng mga pagsisikap na maibsan ang patuloy na epekto ng trahedya sa komunidad.
Ang ganitong mga inisyatiba ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng MPOS para sa pagkilala at pagtulong sa mga biktima ng mass atrocities sa kasaysayan Bangsamoro.
Si Sheik Saguir Salendab ay inimbitahan rin upang magbigay ng ๐ฎ๐ถ๐ฉ๐ข๐ฅ๐ข๐ณ๐ข๐ฉ kaugnay ng makasaysayang pangyayari sa Malisbong Massacre. Tinalakay ni Sheik Salendab ang kahalagahan ng pag-alala sa mga biktima ng masaker, ang mga implikasyon nito sa kasaysayan ng Bangsamoro, at ang patuloy na laban para sa hustisya at kapayapaan. Ang ganitong mga diskusyon ay mahalaga upang mapanatiling buhay ang alaala ng mga biktima at upang magbigay inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.