Sa commemoration ng nakaraang 2000 All-Out War para sa Bangsamoro History Month ngayong taon, ang Bangsamoro Government sa pamamagitan ng Ministry of Public Order and Safety (MPOS) ay nagsagawa ng programa sa munisipalidad ng Barira sa Maguindanao del Norte noong ika-21 ng Marso 2023.
Kasama sa commemoration ay si ππππ². ππ₯-πππ¬π‘π’π πππ₯π, ππ’π«ππππ¨π« πππ§ππ«ππ₯-ππππ na nagbigay ng mensahe para sa mga dumalo.
βAng All-Out War Comemmoration ay ang instrumento natin upang ipaalam at ipakita sa mga susunod na henerasyon na hinding-hindi natin makakalimutan ang mga kapatid nating mujahideen na nagbuwis ng buhay para sa kung anong meron tayo ngayon.β Atty. Balt.
Naging sentro ng programa ang pagbabahagi nang kwento ng mga kaanak ng mga nasawing mujahideen na lumaban noong taong 2000 sa All-Out War.
Isa sa mga nagbahagi ng karanasan ay si Aisha Dumasil na asawa ng isa sa mga mujahideen. Ani nito, βNakatira po kami noon sa maliit lamang po na bahay at sa panahon po na iyon ay buntis ako, ang aking biyanan ay umalis ng bahay para tingnan ang mga sundalo dahil ang asawa ko ay wala sa bahay kasi nasa Camp Abubakr na kasama sa mga mujahideen. Bale inakala ng aking biyanan na lalaki na mga MILF ang mga sundalo at dahil doon ay nahuli siya at doon na rin nila pinatay. Kaya noong marinig ng asawa ko na namatay ang kanyang ama ay bumalik siya at hindi pa man dumating sa bahay at pinuntahan niya ang mga sundalo para makipagbarilan sa kanila at sa hindi inaasahan ang asawa ko ay hindi na nakauwi sakin at doon na din nashahid kasama ang ibang mga mujahideen.β
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Deputy Base Commander ng GHQ-Base Command na si Mr. Lida Guida-guida sa pagdalo ng Ministeryo sa kanilang lugar.
βLubos po akong nagpapasalamat sa Ministry of Public Order and Safety at sa MSSD sa kanilang pagpunta uoang alalahanin ang mga mujahideen na nagbuwis ng buhay noong panahon ng All-Out War dito sa Camp Abubakr. Higit sa lahat ay nakita namin na ang BARMM ay ang bunga ng sakripisyong ipinaglaban ng mga nauna sa atin upang magkaroon ng mapayang pamumuhay ang ating lugar.β Pagbabahagi ni BC Guida-guida.
Kasabay nito ay ang pamamahagi ng MPOS ng cash assistance sa mga kaanak ng mga mujahideen at hygeine kits mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) para mga kababaihang dumalo sa nasabing paggunita.
Sa pagtatapos ng programa, ay nagkaroon rin ng konsultasyon mula sa mga dumalo kung ano-ano ang kanilang mga panawagan at lubos na pangangailangan sa mula sa Bangsamoro Government.
Maaalala na ang pangyayaring ito ay nagdulot ng massive displacement sa mahigit 750,000 na indibidwal at mahigit 1,000 na mga nasawi.