Dinaluhan ng mga kinatawan ng Government Agencies at Non-Government Organizations ang dalawang araw na Forum on Transitional Justice and Reconciliation (TJR) na isinagawa ng Ministry of Public Order and Safety (MPOS) noong Disyembre 12-13, 2024 sa AlNor Hotel and Convention Center at Grand Pagana Hall, lungsod ng Cotabato.
Sa unang araw ng forum, nagkaroon ng isang roundtable discussion na nagtipon ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang Civil Society Organizations (CSOs), miyembro ng akademya, at mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Partikular na dumalo ang mga survivor ng malagim na mass atrocities sa Manili at Palimbang, na nagbahagi ng kanilang mga karanasan bilang biktima ng karahasan. Bilang moderator, pinamunuan ni Ms. Ma. Carmen Lauzon-Gatmaytan, Board Secretary ng Mindanao Peacebuilding Institute, ang dalawang araw na forum.
Sa paunang salita ni Atty. Al-Rashid L. Balt, Director – General ng MPOS, nasabi nito na aminado ang Ministry at ang mga TJR advocates na may hamon pagdating sa usaping TJR. “𝘖𝘯𝘦 𝘰𝘧 𝘰𝘶𝘳 𝘱𝘳𝘪𝘮𝘢𝘳𝘺 𝘧𝘰𝘤𝘶𝘴𝘦𝘴 𝘰𝘧 𝘰𝘶𝘳 𝘔𝘪𝘯𝘪𝘴𝘵𝘳𝘺 (𝘔𝘗𝘖𝘚) 𝘪𝘴 𝘰𝘯 𝘳𝘦𝘤𝘰𝘯𝘤𝘪𝘭𝘪𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯. 𝘉𝘦𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘥𝘢𝘵𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘪𝘮𝘱𝘭𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘱𝘳𝘰𝘨𝘳𝘢𝘮𝘴, 𝘱𝘳𝘰𝘫𝘦𝘤𝘵𝘴, 𝘢𝘯𝘥 𝘢𝘤𝘵𝘪𝘷𝘪𝘵𝘪𝘦𝘴 𝘢𝘪𝘮𝘦𝘥 𝘢𝘵 𝘱𝘳𝘰𝘮𝘰𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘢𝘤𝘦𝘣𝘶𝘪𝘭𝘥𝘪𝘯𝘨, 𝘳𝘦𝘤𝘰𝘯𝘤𝘪𝘭𝘪𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯, 𝘢𝘯𝘥 𝘶𝘯𝘪𝘧𝘪𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯, 𝘸𝘦 𝘢𝘤𝘵𝘪𝘷𝘦𝘭𝘺 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘢𝘣𝘰𝘳𝘢𝘵𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘥𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘦 𝘰𝘳𝘨𝘢𝘯𝘪𝘻𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘴𝘵𝘢𝘬𝘦𝘩𝘰𝘭𝘥𝘦𝘳𝘴 𝘵𝘰 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘵𝘦 𝘴𝘪𝘨𝘯𝘪𝘧𝘪𝘤𝘢𝘯𝘵 𝘦𝘷𝘦𝘯𝘵𝘴, 𝘩𝘰𝘯𝘰𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘷𝘪𝘤𝘵𝘪𝘮𝘴 𝘰𝘧 𝘩𝘪𝘴𝘵𝘰𝘳𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘪𝘯𝘫𝘶𝘴𝘵𝘪𝘤𝘦𝘴, 𝘢𝘯𝘥 𝘪𝘯𝘪𝘵𝘪𝘢𝘵𝘦 𝘮𝘦𝘢𝘯𝘪𝘯𝘨𝘧𝘶𝘭 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘷𝘦𝘯𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘵𝘢𝘪𝘭𝘰𝘳𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘯𝘦𝘦𝘥𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘳𝘦𝘲𝘶𝘦𝘴𝘵𝘴 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘷𝘪𝘤𝘵𝘪𝘮𝘴’ 𝘧𝘢𝘮𝘪𝘭𝘪𝘦𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘶𝘯𝘪𝘵𝘪𝘦𝘴. 𝘉𝘺 𝘵𝘩𝘦𝘴𝘦, 𝘸𝘦 𝘴𝘵𝘳𝘪𝘷𝘦 𝘵𝘰 𝘦𝘯𝘴𝘶𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘪𝘦𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘳𝘦𝘮𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳𝘦𝘥 𝘢𝘯𝘥 𝘴𝘦𝘳𝘷𝘦 𝘢𝘴 𝘢 𝘧𝘰𝘶𝘯𝘥𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘧𝘰𝘳 𝘭𝘢𝘴𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘢𝘤𝘦.”, wika ni Atty. Balt.
Sa ikalawang araw, naging mas malalim ang talakayan na nakatuon sa Call to Action at Commitment ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, ministries, universities, security sectors, CSO, NGOs, at INGOs, sa pagpapatupad ng TJR. Kabilang sa mga dumalong mga ahensya at organisasyon ay Ministry of Basic, Technical and Higher Education, Ministry of Human Settlement and Development, Ministry of Labor and Employment, Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Resources, Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy, Ministry of Indigenous People’s Affairs, Bangsamoro Women’s Commission, Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform, Bangsamoro Youth Commission, Ministry of Internal and Local Government, Office for Settler Communities, Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, GZO Peace Institute, Maranao People Development Center, Inc., Balay Rehabilitation, Consortium of Bangsamoro Civil Society Organization, UNYPHIL Women, Bangsamoro Development Agency, Kutawato Green Land Initiatives Incorporated, United Voices for Peace Network, UNYPAD, Kalimudan sa Ranao Foundation, Inc., League of Bangsamoro Women Organization, Inc. (LMWOI), Tiyakap Kalilintad (TKI), Teduray-Lambangian Women’s Organization, Inc., Plan International Pilipinas, Tupo na Tao sa Laya Women, Inc., GCERF Philippines, World Vision, International Organizations for Migration, Catholic Relief Services, Nonviolent Peace Force, Philippine National Police, Arf Forces of the Philippines, Teach Build Peace Movement, MSU-IPDM, Office of MP Mendoza, Office of MP Anayatin, Regional Youth Advisory Council at mga Sangguniang Kabataan youth leaders.
Ibinahagi din ng mg NGOs ang kanilang mga inisyatiba at kontribusyon sa pagsusulong ng layunin ng TJR. Kabilang sa mga prominenteng tagapagsalita mula sa sektor ng NGO ay sina Ms. Karen Tanada mula sa GZO Peace Institute, Sophia U. Paguital, Project Manager ng ForumZFD, at Ma. Lourdes Veneracion, PhD, Associate Professor mula sa Ateneo de Manila University na miyembro din ng Independent Working Group ng Transitional Justice and Reconciliation. Tinalakay nila ang mga inisyatiba, proyekto, karanasan, at mga oportunidad ng kanilang mga organisasyon na naglalayong magbigay ng suporta sa usaping TJR.
Samantala, sa panig ng gobyerno, nagbahagi rin ng mga programa at hakbang sina Cesar de Mesa, Executive Director ng TJR Office – OPAPRU -; Anwar Upahm, Director I ng MBHTE at miyembro din ng TJR Technical Working Group ng MILF; at Ms. Sittie Janine M. Gamao, Chief ng Peace Education Division ng MPOS. Ang kanilang mga presentasyon ay nagbigay-diin sa papel ng gobyerno bilang katuwang sa pagsusulong ng TJR.
“𝘛𝘩𝘦 𝘛𝘑𝘙 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘰𝘯𝘦𝘯𝘵 𝘪𝘴 𝘶𝘯𝘪𝘲𝘶𝘦 𝘢𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘰𝘯𝘦𝘯𝘵𝘴 𝘰𝘧 𝘕𝘰𝘳𝘮𝘢𝘭𝘪𝘻𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯. 𝘛𝘩𝘦 𝘛𝘑𝘙 𝘙𝘰𝘢𝘥𝘮𝘢𝘱 𝘪𝘴 𝘰𝘯𝘦 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘢𝘨𝘦𝘯𝘥𝘢 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘔𝘐𝘓𝘍 𝘗𝘐𝘗 𝘮𝘦𝘦𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘥 𝘪𝘴 𝘯𝘰𝘸 𝘧𝘰𝘳 𝘢𝘱𝘱𝘳𝘰𝘷𝘢𝘭.”, wika ni Anwar Upahm, Director ng Ministry of Basic and Higher Technical Education (MBHTE) at representative ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Dagdag pa niya, nagpapasalamat siya sa MPOS dahil mahalaga ang makita ang aktibong partisipasyon ng bawat isa sa mga ganitong gawain ng pagpapalakas ng ugnayan, lalo na sa usapin ng TJR, na may malaking papel sa proseso ng normalization.
“𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘯𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘪𝘴𝘺𝘢𝘵𝘪𝘣𝘢 𝘯𝘨 𝘔𝘗𝘖𝘚 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘵𝘰𝘵𝘰𝘰𝘯𝘨 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘶𝘯𝘪𝘵𝘺 𝘩𝘦𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘥 𝘳𝘦𝘤𝘰𝘯𝘤𝘪𝘭𝘪𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘪𝘬𝘵𝘪𝘮𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘴𝘵 𝘢𝘵𝘳𝘰𝘤𝘪𝘵𝘪𝘦𝘴 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘯𝘨𝘴𝘢𝘮𝘰𝘳𝘰.”, wika naman ni BGen Cesar De Mesa (Ret), Executive Director ng TJR Office, OPAPRU.
Sa huli, isinagawa ang isang call to action at commitment signing na pinangunahan ng isa sa mga survivor ng Malisbong massacre. Layunin ng call to action na maipatupad ang mga panukalang batas na may kaugnayan sa TJR.