Mahigit limang (5) dekada ang nakalipas mula nang naganap ang Manili Massacre, kung saan higit sa pitumpung (70) residente, kabilang ang mga inosenteng bata at kababaihan, ay minasaker sa loob ng mosque sa Barangay Manili, Carmen, North Cotabato. Pinangunahan ng Ministry of Public Order and Safety (MPOS) sa pangangatawan ni Deputy Minister Abdulkudos “Jimmy” Balitok ang paggunita kahapon, June 19, 2024 sa Brgy. Manili.
Sinabi ni Director-General ng MPOS, Atty. Al-Rashid L. Balt, “𝘈𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘯𝘪𝘭𝘪 𝘔𝘢𝘴𝘴𝘢𝘤𝘳𝘦 𝘢𝘺 𝘪𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘩𝘪𝘴𝘵𝘰𝘳𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘪𝘯𝘫𝘶𝘴𝘵𝘪𝘤𝘦𝘴 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘥 𝘢𝘨𝘢𝘪𝘯𝘴𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘉𝘢𝘯𝘨𝘴𝘢𝘮𝘰𝘳𝘰. 𝘔𝘢𝘪𝘵𝘶𝘵𝘶𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢, 𝘭𝘢𝘭𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯, 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘴𝘢 𝘔𝘢𝘯𝘪𝘭𝘪 𝘯𝘰𝘰𝘯𝘨 1971. 𝘉𝘶𝘵 𝘵𝘰 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘳𝘪𝘣𝘶𝘵𝘦 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘸𝘰 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘱𝘪𝘭𝘭𝘢𝘳𝘴 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘋𝘦𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘞𝘪𝘵𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘢𝘴𝘵 𝘍𝘳𝘢𝘮𝘦𝘸𝘰𝘳𝘬, 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢𝘳𝘦 𝘙𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘵𝘰 𝘒𝘯𝘰𝘸 𝘢𝘯𝘥 𝘎𝘶𝘢𝘳𝘢𝘯𝘵𝘦𝘦 𝘰𝘧 𝘕𝘰𝘯-𝘳𝘦𝘤𝘶𝘳𝘳𝘦𝘯𝘤𝘦, 𝘨𝘪𝘯𝘶𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘴𝘢𝘤𝘳𝘦”. Dagdag pa niya, pinagsisikapan ng MPOS, sa pamamagaitan ng Special Development Fund na maisakatuparan ang hiling ng mga survivor. Kabilang dito ang pagpabakod at paglagay ng memorial marker sa ruins ng Manili mosque na nagsilbing mass grave ng mga biktima, pagpatayo ng madrasah, paglagay ng patubig, paglagay ng mga solar street lights, pag-organisa at pagbigay ng mga proyekto sa Manili Life Producers Cooperative. Diin ni Director-General Atty. Balt, ang mga proyektong ito ay alinsunod sa adbokasiya ng butihing Chief Minister Ahod B. Ebrahim, “No one should be left behind.”
Tumanggap naman ng 500 na sakong ng bigas ang mga residente ng Manili mula sa Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailanagan (TABANG). “𝘒𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘔𝘢𝘯𝘪𝘭𝘪 𝘴𝘢 𝘤𝘰𝘳𝘦 𝘵𝘦𝘳𝘳𝘪𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘯𝘨 𝘉𝘈𝘙𝘔𝘔 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘢𝘣𝘶𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘰𝘱𝘪𝘴𝘪𝘯𝘢 𝘯𝘪 𝘊𝘩𝘪𝘦𝘧 𝘔𝘪𝘯𝘪𝘴𝘵𝘦𝘳 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘗𝘳𝘰𝘫𝘦𝘤𝘵 𝘛𝘈𝘉𝘈𝘕𝘎.”, Abdullah “Dong” M. Cusain, Assistant Senior Minister at Concurrent Project Manager ng Project TABANG.
Si Mina A. Manalumpang, benipisaryo ng project TABANG ay hindi inaasahan na may tulong na darating sa kanila lalo na sa kanilang karanasan nitong nagdaang ElNiño.
Labis din ang pasasalamat ng LGU-Carmen sa representasyon ni Ms. Zaida-Tur Ambel, dahil sa mga tulong na inabot ng MPOS sa Manili bagaman ay hindi kasali ang Manili sa territory ng BARMM ay mayroon pa ring mga programa na binibigay ang Bangsamoro Government sa kanila.
Kasama din sa paggunita ang mga CSOs at academe. Kabilang dito ay ang Consortium of Bangsamoro Civil Society (CBCS) na pinangunahan ng kanilang Chairperson na si Mr. Guiamel Alim at Mindanao State University – Maguindanao na pinangunahan ng Director ng Institute for Peace and Development in Mindanao (IPDM) na si Mr. Grant Warren Lu. Mayroong mahigit tatlumpung estudyante mula sa MSU ang dumalo sa commemoration upang makapanayam at makuha ang salaysay ng mga survivor ng massacre.
Bagaman ilang dekada na ang lumipas, patuloy pa rin na ginugunita ng pangyayaring ito bilang paalala ng mga trahedyang humubog sa kasaysayan ng mga Bangsamoro. Ito ay simbolo ng kanilang katatagan at walang tigil na pagsisikap na makamit ang hustisya at pangmatagalang kapayapaan.