Isinagawa ang rido settlement nitong January 26, 2023 sa Al-Nor Convention Center, Cotabato City at pinangisawaan ito ng Bangsamoro Government sa pamamagitan ng Ministry of Public Order and Safety (MPOS), Bangsamoro Transition Authority Members of the Parliament na sina MP Suwaib L. Oranon, MP Kellie U. Antao, MP Mujib C. Abu, MP Bassir U. Utto, at MP Tawakkal Midtimbang, kasama ang Municipal Local Government Unit (MLGU) ng Talitay, barangay local officials, CCCH at iba pang mga stakeholders na nakipagtulungan upang maayos ang hidwaan ng dalawang pamilya.
Kapwa lumagda sa amicable agreement ang bawat panig na may layong hindi na muling magkakaroon ng hidwaan ang kanilang pamilya. Sinundan ito ng pagsumpa sa Banal na Quran at yakapan upang ipakita at iparamdama ang sinseridad at kapatiran ng Islam.
Ang naturang rido settlement ay parte ng programa ng Ministry of Public Order and Safety (MPOS) para masiguro ang kaligtasan at kapayapaan ng Bangsamoro.
#RidoSettlement #MPOS #BangsamoroGovernment #Bangsamoro