Noong Abril 24, 2023, nagtulungan ang Ministry ng Public Order and Safety (MPOS) at Consortium of Bangsamoro Civil Society (CBCS) sa pagpapatupad ng Roll-Out ng Comprehensive Rido Profiling sa Cotabato City, BARMM. Dumalo ang mahigit dalawampung (20+) mga kinatawan mula sa Office of the Public Safety ng Cotabato City-LGU at Cotabato City Police Office (CCPO).
Nagpahayag naman ng buong suporta si PLTCOL Carmelo S. Mungcas, ang Chief ng Community Affairs and Development Unit ng Cotabato City Police Office (CCPO). Saad niya, “𝘗𝘢𝘳𝘦-𝘱𝘢𝘳𝘦𝘩𝘰 𝘱𝘰 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨-𝘱𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘢𝘱 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘺𝘢𝘱𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘴𝘦𝘨𝘶𝘳𝘪𝘥𝘢𝘥 𝘴𝘢 𝘊𝘰𝘵𝘢𝘣𝘢𝘵𝘰 𝘊𝘪𝘵𝘺. 𝘈𝘴𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘰 𝘱𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘥𝘪𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘨𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘵𝘶𝘱𝘢𝘥 𝘢𝘵 𝘵𝘶𝘮𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨.”
Ibinahagi naman ni CBCS Project Manager Mr. Alimudin M. Mala, ang layunin ng proyektong comprehensive rido profiling sa Bangsamoro at ang maitutulong nito sa paglaganap ng seguridad at kaligtasan. “𝘈𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢-𝘭𝘢𝘺𝘶𝘯𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘳𝘪𝘥𝘰 𝘱𝘳𝘰𝘧𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘺 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘥𝘢𝘵𝘢𝘣𝘢𝘴𝘦 𝘯𝘢 𝘱𝘸𝘦𝘥𝘦𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘮𝘪𝘵 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵. 𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘎𝘰𝘷𝘦𝘳𝘯𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘢𝘺 𝘮𝘦𝘳𝘰𝘯 𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘪𝘱𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘥𝘢𝘵𝘰𝘴. 𝘋𝘢𝘨𝘥𝘢𝘨 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘨𝘢𝘮𝘪𝘵 𝘯𝘨 𝘔𝘗𝘖𝘚 𝘢𝘵 𝘉𝘢𝘯𝘨𝘴𝘢𝘮𝘰𝘳𝘰 𝘎𝘰𝘷𝘦𝘳𝘯𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘥𝘢𝘵𝘰𝘴 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘦𝘴𝘰𝘭𝘣𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘶𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘳𝘪𝘥𝘰 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘯𝘨𝘴𝘢𝘮𝘰𝘳𝘰.”
Ang comprehensive rido profiling roll out sa Cotabato City ay pinangasiwaan ng Alternative Dispute Resolution Division ng Ministry sa pamamagitan ng Community Affairs Officers ng Bangsamoro Special Geographic Areas (SGA). “𝘈𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘶𝘵𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘢𝘸 𝘦𝘯𝘧𝘰𝘳𝘤𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘢𝘨𝘦𝘯𝘤𝘪𝘦𝘴, 𝘭𝘰𝘤𝘢𝘭 𝘨𝘰𝘷𝘦𝘳𝘯𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘴𝘵𝘢𝘬𝘦𝘩𝘰𝘭𝘥𝘦𝘳𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘴𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘨𝘶𝘮𝘱𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘥𝘰 𝘱𝘳𝘰𝘧𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨. 𝘊𝘰𝘭𝘭𝘢𝘣𝘰𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵,” saad ni MPOS Community Affairs Officer- III Basit Minandang.
Isinagawa na rin ang kaparehong aktibidad sa iba pang mga probinsya ng Bangsamoro tulad sa Maguindanao, Lanao del Sur, at Tawi-Tawi. Ang pinagsama-samang datos at output ay gagamitin upang makabalangkas ng naaangkop na proyekto at polisiya sa paglutas ng mga rido sa rehiyon. Ito ay upang masiguro at maipalaganap ang seguridad at kaligtasan ng mga komunidad sa Bangsamoro.
#ADRD #MPOS #BangsamoroGovernment #Bangsamoro