Tunay ngang galing at talino ang ipinamalas ng mga kalahok mula sa iba’t ibang ahensya at unibersidad sa isinagawang Tagisan ng Talino 2023 kahapon, ika-16 ng Marso sa Alnor Grand Convention Hall, Cotabato City.
Nagwagi ng titulong Kampyon (Champion) at โฑ20,000 cash prize ang quizzer na si ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐น ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ mula sa Schools Division Office of Maguindanao II ng MBHTE. Easy at average round pa lamang ay talagang pansin na ang pangunguna ng kaniyang puntos mula sa mga kasama niyang mga kalahok.
Pumangalawa naman ang quizzer na si ๐๐ผ๐ฟ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ ๐จ. ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ mula sa Cotabato State University na nagwagi ng titulong 1st Runner-up at โฑ15,000 cash prize habang si ๐๐น๐ถ๐๐ฑ๐ฑ๐ถ๐ป ๐จ. ๐๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ป mula sa Statutory Committee ng Bangsamoro Transition Authority ay nakakuha ng titulong 2nd Runner-up at โฑ7,000 cash prize.
Kasama naman sa top 5 finalists ang mga kalahok na si ๐ก๐๐ณ๐ฎ๐๐น ๐ฆ. ๐๐ฎ๐๐ผ mula sa Notre Dame University at ๐๐น-๐๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ ๐. ๐จ๐๐บ๐ฎ๐ป mula sa Cotabato City National Highschool – Rojas na nag-uwi rin ng kani-kanilang cash prizes.
Nagsilbing Head Committee ng nasabing patimpalak si Dr. Tirmizy Abdullah, Professor ng History Department ng Mindanao State University – Main Campus para sa maayos at malinaw na daloy ng patimpalak.
————————————-
Ang Tagisan ng Talino ay taunang patimpalak na isinasagawa ng Bangsamoro Government sa pangunguna ng Ministry of Public Order and Safety kasabay ng selebrasyon ng Bangsamoro History Month tuwing Marso.
#TagisanNgTalino #BHM2023 #MPOS #BangsamorGovernment